New Friend with a PhD from God

two nights ago, may nakilala ako sa facebook. hindi ko naman alam na author pala siya ng isang libro. may-ari din siya ng isang farm-garden resort dito sa probinsiya. nakita ko lang  siya sa “people you may know” na lumalabas sa facebook.

hindi ko na lang babanggitin ang kanyang pangalan. dahil may inoffer siyang tulong para sa isa sa mga activity namin sa opisina, pinapunta niya ako sa resort niya. hindi ko na rin babanggitin ang pangalan ng resort.  medyo may kalayuan. maganda sana ang lugar. 5 hectares na may tanim na iba’t-ibang puno, may malaking log house, pool, natural spring, gathering area, pavillion at iba pa. dahil non-profit resort ito, ang pera na naiipon mula sa mga nagpupunta sa resort ay iniipon para ipantulong sa mga kapos palad tulad ng mga aeta tribe, mga bata at mga kababaihan sa iba’t-ibang municipality. halatang hindi nga masyadong name-maintain ang lugar. mas maganda sana yun kung aayusin pa.

maganda ang lugar, pero mas nagandahan ako kay… sige na nga, itago ko na lang siya sa pangalang madam BEAUTIFUL. she is 66 years old, pero hindi halata. mas bata ng 1 5 years sa actual na edad ang kanyang hitsura. inglesera. sosyal. jolly. aloof ako pagdating sa mga sosyal at may kaya na tao. ang mga nakilala ko kasing may kaya noong nagkakamuwang ako sa siyudad ay mga mapangmata ng ibang tao na hindi nila kalebel ng estado sa buhay. kaya iwas na iwas ako sa mga lalaking yayamanin noong nagtatrabaho pa ako sa maynila. mabait nga sila, ‘yung mga tao naman sa circle of friends at kadugo nila ang titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang sinusukat ang pagkatao mo base sa kung ano lang ang nakikita sayo. pero iba si madam BEAUTIFUL. ang gaan nya lang kausap. at………… puro words of wisdom, mula sa pagtupad ng pangarap hanggang sa buhay pag-ibig. parang nakahanap tuloy ako ng bagong nanay-nanayan.

habang kinukwento niya ang buhay niya noon, naintindihan ko kung bakit malapit siya sa mga mahihirap at mission niya ang tumulong sa iba. second year high school lang ang natapos niya sa pilipinas. nagkaroon ng pagkakataon na mamasukan bilang katulong, hanggang sa may nagdala sa kanya sa U.S. doon siya nagself study para matupad ang pangarap niya na maging author at magkaroon ng isang farm at resort na para sa mga mahihirap.mahilig kasi siya maghalaman. yun ang passion niya. maghalaman, magsulat at tumulong sa mga mga kapos palad. bago niya narating ang kinalalagyan niya, naranasan niya na tumira at matulog sa dumpsite sa isang probinsiya. na-rape siya noong siya ay 15 years old siya at nabuntis. kulang ang pamiya niya sa kabuhayan kaya ipinaampon niya ang anak niya. nagkasakit siya ng leukemia at sa dami daw ng hirap na dinanas niya, bumigay siya at nagpakamatay. pero hindi daw siya hinayaan ng Dyos na mamatay. doon siya unti-unting nagbago ang pananaw sa buhay.

ang dami niyang pictures sa loob ng log house pero may isa akong paborito. sayang, hindi ko napicturan. picture niya na naka-frame at may nakalettering na Phd From God. wala siyang mataas na pinagaralan, walang masteral o doctoral degree pero ang mga umiimbita sa kanya para magtalk sa mga event at gatherings ay mga edukadong tao na may  phd at M.A. degree. nagtalk na rin siya sa senate tribunal. ang galing lang. wala naman daw sekretong formula sa buhay niya. ang talino at kakayahan daw ay regalo na mula sa Dyos kaya dapat lang daw na ginagamit ito ng tama. hindi dapat ginagamit ang talino at kakayahan sa panlalamang, panloloko at pananakit sa kapwa dahil what we do to our talents is our gift to God daw.

isa din siyang businesswoman. sabi nila, bihira lang daw ang negosyante na mapupunta sa langit. puro ganasya daw kasi ang nasa utak nila. pero iba si madam BEAUTIFUL. sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay, hindi niya maatim na mantapak ng iba, manloko ng iba at patuloy pa ring naniwala sa Dyos kahit malaimpyerno ang pinagdaanan niya.

gusto ko sana humingi ng kopya ng libro niya… andami kasi nasa mesa lang… nakakahiya lang.🙂

ang bait-bait niya. wala siyang hinihinging kapalit sa pagtulong niya. para sa kanya, naranasan niya nag ahat ng naranasan niya para mas maintindihan ang pinagdadaanan ng iba at para matulungan ang may pinagdadaanan.

i am thankful na nakilala ko siya. gusto ko siyang ipakilala kay “bae”, isang kaibigan na halos kapareho ni madam ng naging struggle sa buhay, yun nga lang, pwera lang ang kahirapan. sana magkaron din ako ng strength na katulad nang kay madam… sana…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s