Kras Lang

Meron akong kras. Kras lang. Natutuwa lang.🙂

Nakakatuwa. Kahit may kaya sa buhay, jologs lang. Hindi maarte. Mabait. Generous. May yabang ng konti pero hindi nakakabuwisit na yabang. Mabango kahit pawisan. Lalong gumagwapo kapag nakangiti. Hindi na nakapagtataka na gustuhin ng mga babae.

Dahil sa kanya, lahat na naman ng mga mata ng tao sa paligid ko ay nakapako sa akin. May special treatment daw kasi siya sa akin. Iba daw an pakikitungo sa akin. Sa tinagal-tagal na nila siyang kasama, ako na bago lamang ang mas pinagkakatiwalaan niya sa mga bagay-bagay. Sinisigurado niya na ayos ako at marami pang small gestures of kindness. Awkward. Gusto ko na benebaby ako. Gusto ko na parang reyna ang treatment. Pero ewan naaw-awkwardan ako.

“Bumait ‘yan, simula nang dumating ka.” Isa sa mga sinasabi nila. The rest, may bahid at tonong kakaiba.

Anyway, for the first time, may nakakita ng mga bagay na hindi ko ifinauflaunt sa madla.

Kras. Kras lang. Kras lang naman. Walang ibang atraksyon na nararamdaman. First time ko na magkakras sa tao na nakakausap at nakikita ko araw-araw. Ang mga kras ko naman kasi mga musikero na napapanood ko lang sa MTV at nakikita sa song hits.🙂

Kras. Kras lang. Kras na mahal. Mahal hindi romantically. Mahal kasi mahal ko lang talaga dahil isa siyang kaibigan. Kung may special treament man siya sa akin, hanggang dun lang siya. Hanggang dito din lang ako. Sa kras lang. Kras lang talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s