THANKS TO YOU

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng buwan sa isang taon, talagang buwan ng September ako madalas ma-emo. Nakakalerks lang. Pag September parang araw-araw akong may PMS.

Anyway, lulubus-lubusin ko na ang pagka-emo na ito. There’s a person na mahal ko. But huwait, kuwat! Hindi ko siya kapamilya, hindi ko rin kaibigan, hindi ko rin crush , hindi ko boypren at lalong hindi siya si Toni Gonzaga.  Tao ba ito, hayup, bagay, pagkain? Hehe. Syempre Tao.

 Image

Mahal ko siya bilang tao at gusto ko siyang pasalamatan sa lahat-lahat. Kung hindi lang talaga  nakakahiya na i-hug siya at bigyan ng malupit na mwa-mwa-tsup-tsup, ginawa ko na. Kung hindi  lang ako magmumukhang eng-eng kapag  sumigaw ako ng katulad ng pagsigaw ni Toni Gonzaga ng Aylabyu Piolooooo sa Sprite commercial ginawa ko na rin. Nakakalungkot lang ng beri light kasi he thinks the other way around. Ang “awkward” naman kasi na sabihin sa kanya. Bibigyan ko sana ng love letter o kaya simpleng thank you note kaya lang ayun nga, tangena awkward.

Magpa-videoke na lang kaya ako sa beerdey ko tapos kantahan ko siya ng Thanks To You. Ayoko ng Tyler Collins version . Gusto ko yung bumubulong version ni Judy Ann Santos!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s