HUMANAP KA NG PANGET AT IBIGIN MONG TUNAY

ImageSabi ng aming CEO “kuno” na si Papa Genre Ponds, sa panahon ngayon, ang tunay na lalake ay panget. Take note: PANGET!  Taragiis, parang gusto kong maniwala eh! Naalala ko tuloy ang sabi ng dati kong boss sa akin. Ang sabi niya, lagi ko daw tatandaan na sa broadcasting industry, mahirap makahanap ng matinong lalake.  May tatlong klase lang daw ng lalake sa radyo man o sa TV. Una, mga good boy na kung hindi married ay taken na.  Pangalawa ay mga jinx na keribels magpalit ng jowa in 5 seconds.  Pangatlo ang mga BADINGGERZIE na malaki ang muscles, gwapo pero kapwa lalake ang gusto.  Syempre may matino naman na single kaya lang mga hindi  daw kaaya-aya ang hitsura.

Nakakalerks di ba?

Nakakapag-dalawang isip tuloy sagutin ang isang lalake kasi di mo alam kung tunay ba siya o tanso! Karamihan pa naman sa kilala kong pugita na fafa ngayon ay kung hindi bakla, nambabakla naman.

Anyareee? Krisis na nga sa gas at bigas, pati sa tunay na lalake KRISIS pa rin!

Ikaw, ano ang gusto mo, jomowa ng bading na gwapo, jomowa ng shonget pero tunay na macho? *INSERT Humanap Ka ng Pangit song by Andrew E!* Ah ewan. Basta ayaw ko ng lalaki sa buhay ko ngayon.🙂 Wala lang talagang matipohan sa mga nagdadala ng bulaklak, sokoleyts, meryenda at stuffed toys araw-araw sa istasyon.🙂

Ideal man ko ba kamo? Hmmm…Ewa kung may ideal man nga ba ako. Basta ayaw ko ng kagaya ni CARLO.😛 saksakan nga ng gwapo, malamya naman. Hahaha. Sorriiii naaaaaa!!! AYAW ko din ng mayamanin. May phobia ako sa mayayaman. May phobia ako sa may mga kaya sa buhay. Hindi sa akin importante ang materyal na bagay. Kahit walang bulaklak, kahit walang magarbong date. Basta mahal na mahal ako at mahal na mahal ko rin. Yung  madiskarte sa buhay at di ko kailangan mangamba kasi may kinikilos na kakaiba. Yung mahal ako bilang ako. Yung makakakita ng mga maliliit na kabutihan na itinatago ko sa mga tao dahil ayaw ko ng pakitang kabutihan lamang. Yung mamahalin ang nanay ko, ang tatay ko, ang mga pasaway kong kapatid. Yung palasimba. Yung madasalin at malapit sa Dyos. Kahit pa kamukha ni Andrew E yan, basta’t taong tunay, mamahalin ko ng tapat at wagas na para bang wala nang bukas.🙂

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s